Camping @ Anawangin Zambales
Last month, I was lucky enough to join my ex-officemates / camping friends in an exciting adventure at Anawangin, Zambales. I have had camping classes back in college and I can say that climbing mountains is not a piece of cake. The trip that we had is perfect for first time campers. It was more of a beach escapade. The destination has a lot to offer.
It is a virgin island with 'blairwitch' pine trees (haha imagine that). The place is perfect for groups who want to chill out and enjoy nature's beauty; for individuals who want to do some soul searching; for couples who are of the romantic-adventurous type (take note: walang signal sa island :P). Imagine lying on the sand with great friends while staring at a blanket of stars. Never in my whole life have I ever seen such a beautiful night sky sprinkled with a huge amount of stars (blame it to Manila's pollution). The sand is really fine so even if you are not a flipper you will not hesitate to take a dip in the clear waters.
What made the escapade even more enojoyable is the fact that the cost was low. Since you have to bring your own food and tent, you just have to spend on transportation:
414 per person - bus (Caloocan - San Antonio and vice versa)
40 per person - tricycle (2 way each tricycle can accommodate 3 persons, San Antonio to Pundaquit Beach)
267 per person - boat (2 way each boat can accommodate 3 persons, Pundaquit Beach to Anawangin Cove)
The experience was really great. Thanks to Joy, our persistent organizer. Go ahead, take your well-deserved break and enjoy the sun in Anawangin :)
9 Random thoughts...
Wow! That is a beautiful picture! I bet it was amazing seeing all those stars in such a beautiful setting.
thanks angela :) i swear it was breathtaking
im not a camper type but looking at the pictures it will be worth trying. Besides I like adventures. But wait, did you say NO SIGNAL??? oh well ive changed my mind, NO THANKS, LOL!!!
yup it was like living a primitive life but it was fun ;) haha... the funny thing is, we were not informed about it, so if you're planning on an anawangin escapade, here's a tip : send your text messages before you go to the island proper
wow! sarap dyan anne! fresh ang soul mo pagbalik ng city. =)
mukang tlaga ang ganda ng place... anu ang whole itenerary nyo dyan? hope to here from you.. email me at buchuko@yahoo.. :)
huhuhuhu sayang. hindi ako nakasama dito
Behind the Beauty of Anawangin
Holy week,..long weekend ng March, nagkasundong mag out-of-town ang sampung magbabarkada. Ang napiling lugar, Anawangin. Para medyo malayo naman sa polusyon ng Maynila at ma-relax naman ang mga utak mula sa araw-araw na stress ng opisina. A week before pa lang nakapagpa-reserve na kami ng tickets sa bus, seat # 1 to 10 pa nga kami,ganun ka-excited. Wednesday 12midnight ang byahe namin, mabilis at maluwang naman ang kalsada kaya alas-tres pa lang ng madaling araw ng huwebes nasa SanAntonio na ang grupo. Ang San Antonio ay isang bayan sa Zambales na jump-off para papuntang Anawangin.
Madilim pa ng mga oras na yun kaya tambay muna kami sa plaza ng San Antonio, kwentuhan at kulitan muna habang nagpapa-umaga para makabili sa palengke ng iba pang madadalang pagkain, habang ang iba’y nakikipag-negotiate na ng tricycle patungong Pundakit (shoreline para maka-arkila ng bangka patungong Anawangin. Very entertaining ang mga tricycle drivers (dahil kikita nga naman sila sa amin), halos lahat nag-aagawan para lang kontratahin sila, nakilala Ko dun si Kodz, siya yung pinili namin kasi siya yung mukhang mas informative, yung iba halatang pera lang ang habol. Ayon kay Kodz lagi siyang naghahatid dun, marami na rin daw siyang suking manilenyo at labing-isang beses na daw siyang nakapunta sa Anawangin mismo. Sa tagal ng kwentuhan namin wala siyang nababanggit na delikado o sakunang pangyayari sa lugar, pawang kagandahan lang ng lugar, binigay pa nga niya yung cell number niya para ma-text ko raw siya kung pupunta uli kami dun.
Mga 15 minutes from San Antonio to Pundakit, pagdating dun negotiate na kami ng bangka, nakilala namin si Vic, isang bangkero sa Pundakit, wala kaming ibang usapan kundi kung magkano ang kontrata sa kanya at kung kailan kami muli susunduin mula Anawangin.
Around 7am nasa Anawangin na kami, hanap agad ng magandang camp area sa gitna ng matataas na pine trees, di ko ikakaila na maganda ang lugar, tahimik at relaxing. Habang nag-aayos kami ng mga gamit at nagpi-pitch ng mga tents, lumapit ang isang ale sa amin, maganda ang ngiti at mukhang mabait, malumanay ang boses niya ng sinabi niyang siya ang caretaker ng isla, siya daw si Aling Ligaya. Umalis saglit at bumalik na may kasama pang isang babae, buhat nila ang isang maayos na papag na gawa sa kawayan, binaba nila sa gitna ng area namin at sinabing patungan daw ng mga pagkain o anumang gamit. Sabay alis, walang ibang sinabi kung may bayad man yun o wala, pero napagtanong namin sa mga katabi naming naka-camp na dun na P50 per head at per day daw.
Habang nag-aayos ang grupo may mga nagluluto na ng pancakes for breakfast, set na din ng tripod ng camera at picture taking na agad, halatang sabik ang isat-isa sa muling pagsasama ng tropa, matagal na rin kasing walang get-together dahil puro busy sa trabaho at kayod talaga para sa mga magagandang plano sa pamilya.
After breakfast excited na ang lahat lumublob sa dagat, kanya-kanyang labas na ng mga snorkel, goggles, vest at fins, makikita sa mukha ng bawat isa ang excitement na i-enjoy at i-explore ang lugar. Di alintana ng lahat ang lamig ng tubig basta sige lublob, kwentuhan, tawanan, halos wala ring pahinga ang mga digicams sa kakakuha ng pictures. Enjoy ang lahat, walang kj, lahat nakangiti, nakatawa, masayang-masaya ang tropa, ang tropa na walang ibang hangarin kundi ang i-appreciate ang ganda ng Anawangin.
Kinagabihan, set-up na ng lamp, habang nagluluto ng dinner ang ilan, nakapalibot naman ang iba sa kamustahang kwentuhan, bumangka si Mel, tropa ko since college na arkitekto na, bumanat na naman siya ng mga magic tricks niya kasama ang isa pang tropa na lagi niyang nililibang, kami naman kahit bilib sa ginagawa niya di na lang naming pinapahalata. Natatandaan ko pa nun na nagbilin ako ng pasalubong kay Mel kasi naka-line up na siya sa opisina nila na pupuntang Hawaii. Natapos ang gabing yun sa malalakas na tawanan at masasayang kwentuhan.
Kinabukasan, Biyernes Santo. Snorkling uli ang ilan sa tropa, explore uli sa islang may magagandang corals at makukulay na isda, halos di mo mamamalayan ang oras sa sobrang pagkalibang.
Pagdating ng Lunch time, sabay nagsalu-salo ang buong tropa sa pagkain, pagkatapos yung iba umidlip sa pagkapagod. Bandang hapon ng nagkayayaan yung apat pa naming kasama na mag-swimming uli, dalawa sa kanila ang naka-vest kasama si Gwen, girlfriend ni Mel. Di naming akalaing may naghihintay na sakuna para sa kanila ng mga panahon na yon. Habang nagpapahinga kami sa camp site, bandang alas-kwatro ng hapon, nagulantang ang katahimikan dahil sa pagdating ng isang kasama nila Mel galing sa dagat, tumatakbo’t hinihingal habang sinasabing “nalunod si……nalunod si……”…..di pa man din siya tapos sa sinasabi niya agad naming dinampot yung natitirang vest at snorkel, dahil sa pagka-intindi naming nalulunod pa lang siya ng mga panahong yon. Hinihingal sa pagkakatakbo ng pagdating namin sa lugar, marami ng nakapalibot na tao. Pagpasok ko sa loob, nakita ko ng umiiyak si Gwen sa tabi ni Mel. Si Mel walang malay at langtang gulay habang sini-cpr ng dalawang lalaking di namin kilala, yung ibang kasama naming nangontrata na ng bangka para madala agad si Mel sa hospital.
Habang nasa bangka kahit walang malay patuloy naming kinakausap si Mel at pinipisil ang mga daliri sa kamay at paa niya. Halos paliparin ng bangkero ang bangka laban sa mga malalakas na alon ng hapon na yun. Bawat minuto parang ga-oras ang tagal ng byahe namin dahil sa layo. Tinatanong naming ang diyos kung bakit, mabait naman si Mel, mabuting anak sa pamilya niya, matulungin sa tropa, kwento pa nga ng girlfriend niya may ipon siya para sa pagpapatayo ng bahay para sa nanay niya, marami pa siyang gagawin….bakit si mel?
Pagdating ng Pundakit, ang daming tao pero kakaunti ang nagkukusang tumulong, kailangan mo pang murahin para tulungan ka sa pagbuhat. May nurse na lalaking lumapit he knows cpr daw, kaya bomba uli kami kay mel habang hinihintay yung ambulansya na pinatawag ng pulis na nakatalaga dun. Ilang minuto din bago dumating yung ambulansya. Kinailangan pa naming buhatin ang mabigat na katawan ni mel papunta sa gate ng resort para maisakay siya sa ambulansya, tantsa ko nasa 20 meters din ang layo. Dun namin na-realize na ganun kalayo ang tatahakin sa tuwing magkakaroon ng sakuna sa Anawangin.
Pagkarga kay Mel sa ambulansya, salpak agad ng driver ng oxygen kay mel, akala naming magiging ok na ang lahat, tsaka namin nalaman na ibabyahe pa sa kabilang town (San Marcelino), dahil wala raw hospital sa San Antonio,..Ang tanong, Bakit walang hospital sa San Antonio?
Ang nagpapalakas ng loob namin ay yung maayos pa ang kulay ni Mel at may pulso pa siya , alam namin na aabot siya kung madadala lang agad sa Ospital. Pero sadyang ayaw makisama ng tadhana ang tagal na naman ng byahe namin bago makarating sa Ospital. Pagdating sa San Marcelino Hospital, ilang minuto lang ng mailipat si Mel sa kama ng ospital, dun na sinabi ng duktor na din na niya kinaya…wala na si Mel..Ganun kabilis ang pangyayari..Di man katanggap-tanggap.
Pagsunod ng ibang kasama namin sa San Marcelino Hospital, dun namin sila nakausap tungkol sa pangyayari. Ayon kay German, (isa sa apat na magkakasama), tahimik at mababaw ang tubig, umabot man ng ilang metro mula sa pampang ang babaw pa rin daw. Nung nagsi-swimming sila, medyo may distansiya si Mel sa tatlong kasama, nagulat na lang sila ng biglang nagpupumiglas at sumisigaw si Mel na para bang may puwersang humihila sa kanya na sadyang di niya makayanang labanan. Magaling lumangoy si Mel, at lalong hindi siya lasing, wala sa sampung magkakasama ang nakainom, kaya nagtataka sila kung bakit di niya magawang makalangoy. Sumaklolo si German pero paglapit niya kay Mel di niya akalaing ganun kalakas ang pwersa ng current sa ilalim ,gayung tahimik naman ang tubig ng lumusong sila. Parang may halimaw sa ilalim na gutom sa pagkuha ng buhay ng tao.,..di kinaya ni German kaya pinilit nilang makaahon agad para makahingi ng tulong. May sumaklolo pero di rin nagtagumpay na masagip si Mel, nung may pangalawang sumaklolo tsaka lang daw nakuha si Mel na wala ng malay. Ganun daw ang pangyayari. Paano pala kung walang kusang tumulong?..malamang pati katawan ng biktima ay din a makuha.
Walang “Danger” signs sa paligid,..wala ring Lifeguard,..wala ring salbabida man lang na pwede mong ibato sa nalulunod. Para saan yung sinisingil ng caretaker ng isla?...ano lang ba yung maglagay man lang sana ng signs para aware ang mga tao na ganun pala ka-delikado sa lugar nila. Hindi kapakanan ng mga campers ang priority ng caretaker. Lahat ng ganda ng Anawangin ay nabura dahil sa pangyayaring yon, wala ka ng proteksiyon sa isla ang layo pa ng hospital na pagdadalhan sayo kung may sakuna.
Sabi pa ng isang nurse sa hospital na nakausap namin, di lang minsan may ganung pangyayari, dati daw may pamilya pang nalunod, meron din daw isang case na swimmer pa yung nalunod, Puro dayo daw yung mga nagbubuwis ng buhay, halos taun-taon daw. Bakit di man lang nababalita?..maging sa internet walang ibang balita kundi kagandahan ng lugar.. Kaya pala tahimik lang ang mga locals, mga tricycle drivers at mga bangkero dun, kasi pag kinuwento nga naman nila masisira ang hanapbuhay nila. Hanapbuhay nilang pagsasakripisyo ng buhay ng ibang tao.
Kung mahal mo ang kaibigan mo o pamilya mo, huwag mong ilapit sa mapanuksong ganda ng Anawangin, marami pang ibang magandang lugar. Gawin nating si Mel na ang huling biktima, at sigurado akong ikatutuwa ni Mel na makatulong tayo sa ibang tao na malayo sa sakuna. “Don’t be a victim behind the beauty of Anawangin!!”
At para sa’yo Mel, ang pagdarasal namin para sa Mapayapang Paglalakbay. Habang-buhay kang nasa puso namin. May you Rest in Peace.
*********************************************************************************************
Sa pangyayaring naganap ng araw na iyon, maisip sana ng mga taong nakapaligid sa Anawangin na hindi lang pera ang importante sa buhay ng tao, hindi lamang ang kikitain nila ang una nilang isipin at sa bawat sentimong mahahawakan nila galing sa mga dayuhan sa kanilang lugar ay may kapalit ding pwedeng mangyari sa mga mahal nila sa buhay. Huwag nyong hintaying balikan kayo ng tadhana at gantihan kayo ng kalikasan, huwag nyong hintaying singilin din kayo kapalit ng mga buhay na nawala dahilan sa inyong kapabayaan. Napakasakit mawalan ng mahal sa buhay, at sana ang buhay na ibinuwis ni Mel ang maging paraan upang mabuksan ang mga mata ng sambayanan na hindi nakikita sa ganda ng lugar ang kaligtasan ng bawat isa. Maganda mang tignan ang lugar ng Anawangin, pero may multong nakatago sa gandang nakikita natin. Huwag na po nating pabayaang may madagdag pa sa mga buhay na nawala sa lugar na iyan, huwag nyo pong isapalaran ang inyong mga buhay! Magandang pakikisama ng mga nagpapatakbo at nangangalaga ng Anawangin lalo na ni Aling Ligaya hindi po matutumbasan ng buhay na lalamunin pa ng isla ng Anawangin!!!!!
Mel, maraming salamat sa iyong kabaitan hindi mo pa man oras ngunit kailangan naming tanggapin ang katotohanang binawi ka na ng Maykapal. Marami ka ng taong natulungan, marami ka ng mapasayang tao, mahirap man sa amin pero kailangan mo ng tumuloy sa iyong pupuntahan. Alam kong nasa tabi ka ng Diyos na Maykapal, at alam kong magiging masaya ka dyan. Huwag mo na kaming alalahanin dahil binigyan mo na kami ng mga alaalang hindi namin malilimutan, napakabait mong kapatid, tito at lalong lalo na bilang anak sa mga magulang natin. Humayo ka na at matahimik sa kandungan ng Panginoong Diyos. Maraming maraming salamat kapatid ko!!!! Mahal na mahal ka namin!!!!
MICHAELA MAXINO HERNAEZ
Sister of Melvin
enough of your pessimistic thoughts about anawangin. haven't you considered being extra careful while swimming in an open sea? anything can really happen to you. i understand why you are weeping. your brother may just had been so unfortunate to encounter such a tragic accident in that area but you can't blame it all to those who are keeping the place. and FYI, the Php50 that you paid for the camp is for the maintenance and cleanliness of the area. so for all those who are planning to visit anawangin, just come and enjoy the beauty of the cove. go on and take your chances, just do not forget to take some extra precautions and assure your saftey if you're gonna swim. and always keep in mind that when you're with nature, take nothing but pictures and leave nothing but footprints. let's keep anawangin as virgin as it is.
Post a Comment